“Cory Aquino, dapat sisihin sa pagkansela ng license to operate ng Rappler” – Jay Sonza

Public domain

Naniniwala ang beteranong mamahayag na si Jay Sonza na walang ibang dapat sisihin sa pagkansela ng licensed to operate sa bansa ng Rappler ng Security and Exchange Commission (SEC) kundi sina dating Pangulong Cory Aquino, Hilario Davide at asawa ni Mareng Winnie na si Christian Monsod at lahat ng may-akda at may kinalaman sa 1987 Constitution.

Ayon sa Facebook post ni Sonza, sinabi nitong nilabag ng Rappler ang 1987 Constitution na buong ipinagmamalaki  nina Davide at Monsod na handa umano silang mamatay upang ipagtanggol ito.

Kaya naman sinabi ni Sonza kay Rappler CEO Maria Ressa na mali ang sinisisi nitong tao sa pagkansela sa kanilang lisensiya ng SEC.

“You are all barking up the wrong tree! It’s Cory and her Constitution, you stupid fool!” ani Sonza.

Samantala makaraang makansela ang license to operate ng Rappler ay nakatanggap naman ng summon mula sa National Bureau of Investigation (NBI) sina Ressa at isang dating justice beat reporter ng news website kaugnay sa cybercrime complaint na isinampa ng isang Filipino-Chinese businessman.

Noong 2012, iniulat ng Rappler na si Century Peak president Wilfredo Keng diumano ay nagpahiram umano ng sasakyan kay dating Chief Justice Renato Corona.