Dalagitang estudyante na nawawala sa Davao Del Sur, patay na nang matagpuan

Image capture from GMA News video

MAYNILA, Pilipinas  –  Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang 14-anyos na dalagitang estudyante na ilang araw nang nawawala sa Digos City, Davao Del Sur.

Ayon sa ulat ng GMA News, Huwebes pa noong nakaraang linggo nang mapaulat na nawawala si Brenda Lyn Batuto, isang Grade 7 student ng Matti National High School, subalit natagpuan lamang ito noong Sabado.

Nakasuot pa ng school uniform ang biktima subalit patay na ito at hinihinalang ginahasa pa dahil wala na itong suot na underwear. Basag din ang mukha ng estudyante nang matagpuan ito sa isang madamong lugar sa Barangay Tiguman ng nasabing siyudad.

Natagpuan malapit sa pinangyarihan ng krimen ang underwear ng dalagita at isa pang polo shirt na panglalaki.

Dalawang katao naman ang itinuturing ngayon na persons of interest sa kaso. Ang isa ay nagngangalang Victor Lano na siyang may-ari ng polo shirt at ang kapitbahay niyang si Alfonso Ignacio. Ang dalawang lalaki ay parehong nasa kustodiya na ng pulis.

Itinanggi naman ni Ignacio na mayroon siyang kinalaman sa krimen at itinuturo nito si Lano na siyang responsable.

Panoorin ang buong detalye sa ulat ng GMA News: