Dela Rosa, itotodo ang kanyang puwersa sa kampanya laban sa ilegal na droga ngayong 2018

File photo

Itotodo umano ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang lahat ng kanyang puwersa sa kampanya laban sa ilegal na droga ngayong 2018.

Ani Dela Rosa, maaasahan ng publiko na mas marami pang ‘drug personalities’ ang maaaresto at makukulong ng pulisya subalit iginiit din niya na mas magiging maingat na sila ngayon.

Aniya: “Ibuhos ko na ito kung ano pang energy sa akin na talagang paigtingan natin ng husto ang kampanya laban sa droga but magiingat tayo ngayon dahil nga sa lessons learned natin na na-experience sa previous year na nasingitan tayo ng mga taong may masamang intention. Ingat kami dyan.”

Tiniyak din ng incoming BuCor chief na si Dela Rosa na ang lahat ng kanilang mga natutunan sa mga nakaraang kampanya laban sa ilegal na droga ay hindi na mauulit.

Umaasa rin siya na mapapabilis ang pagkuha ng kanilang body cameras, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Aniya, layunin ng mga camera na ito na maipakita ang kanilang pagiging transparent sa kanilang ‘war on drugs’ at upang lahat ng kanilang gawi ay mabantayan.

Wika pa ni Dela Rosa, sa oras na mabili na nila ang mga body camera at may pondo na ay kanila na itong ipapa-bid.

Sa sandaling nai-deliver na ang mga camera ay magpapalabas umano sila ng polisiya na bawal nang magsagawa ng anti-drug operations nang hindi naka-on ang suot na body cameras.

Samantala, tinatayang nasa 3,451 ‘drug personalities’ na ang napaslang sa ‘war on drugs’ buhat noong August 2017, ayon sa inisyal na ulat ng Balita DF.