Dennis, siguradong si Jen na ang ‘The One’; araw ng kasal nila, darating din ‘yan

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @mercadojenny at @dennistrillo

Sigurado na raw ang aktor na si Dennis Trillo na ang kanyang kasintahang si Jennylyn Mercado na ang “The One”. Wala man daw  kasiguraduhan kung kailan, ay tiyak niyang darating din daw ang araw ng kanilang kasal.

Ayon sa PEP, inamin ni Trillo na kasal na lang ang kulang sa kanila ni Mercado.

“’Yon na nga lang siguro ang kulang. Pero darating din ‘yon. Malalaman n’yo rin naman ‘pag dumating na ‘yung araw na ‘yun,” aniya.

❤️

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Hindi na raw niya pakakawalan pa ang nobya. Sigurado na raw siya na si Mercado na ang makatutuluyan niya. Dagdag pa niya, unti-unti na rin naman daw pinaplano ang tungkol sa kasal nila.

“Siyempre, may mga kanya-kanyang careers pa kaming kailangang asikasuhin. Sa ngayon, ‘yon muna,” sabi niya.

Samantala, ikinatutuwa raw ni Trillo ang pagbabahagi ni Mercado sa Instagram ng mga larawan kuha sa kanilang adventures bilang magkasintahan, pati na rin ang bonding moments nila kasama ang kanilang mga pamilya sa buong 2017.

Clear!👌🏼 #dive

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

“Gano’n talaga ‘pag masaya ka, ‘pag proud ka sa isang bagay. Hindi ka mahihiya na ipakita o makita ng mga tao ‘yong happiness mo. ‘Yon naman ang importante, e— ‘yong contentment mo sa buhay kung saan ka masaya,” wika ng aktor.

“Mabubuting tao rin kasi ‘yong miyembro ng pamilya niya kaya hindi mahirap na mapalapit ka sa kanila or mahalin mo ‘yong bawat isa sa kanila. Gano’n talaga, e. Gano’n din siya sa pamilya ko,” dagdag pa niya.

Nauna nang nabanggit ni Mercado na parang anak na ang turing ng kanyang ama kay Trillo.