DOF, nakatakdang magpasa ng 2nd package ng TRAIN Law

File Photo

(Manila, Philippines) Nakatakdang magpasa ang Department of Finance (DOF) ng second package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law bago matapos ang Enero 2018.

Ani Finance Secretary Carlos Dominguez III, isusumite ng DOF ang package two ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang first package kung saan binawasan ang personal income tax (PIT) at pinalawig ang value-added tax (VAT), ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Ayon sa inisyal na ulat ng Bombo Radyo, sa ilalim ng ikalawang package ay target nitong bawasan ang corporate income tax rate ng 25% mula sa kasalukuyang 30% at upang maayos ang fiscal incentives.

Habang sinabi rin ni Dominguez na may progreso na sa pagpapatupad ng tax reform.

Naiulat na plano na sanang isumite ng DOF ang second package noong Oktubre 2017, ngunit hindi ito natuloy nang tutukan ng pamahalaan ang unang package ng TRAIN law.