Inuman na? Natumbang truck ng beer, pinagkaguluhan ng mga residente

Images by Rodlin Gabut via Facebook page
  • Isang truck ng beer na galing Davao City at papuntang Cagayan de Oro ang tumagilid sa may Agusan del Norte
  • Pinagkaguluhan ng mga residente ang mga natapong alak
  • Ang iba ay nag-inuman na samantala ang iba ay isinilid pa sa mga malalaking lalagyan ng tubig ang beer

Isang truck ng beer ang tumagilid sa Barangay Agong-ong sa Agusan del Norte. Ikinatuwa naman ng mga residente at pinagkaguluhan ang mga natapong alak.

Nakunan ni Rodlin Gabut ang komosyon sa insidente at ipinost ito sa Facebook. Makikita sa video at mga litrato na sa mismong tabi ng tumagilid na truck ay nag-iinuman na ang ilang tao. Ang iba pa ay makikitang isinasalin sa malalaking lalagyan ng tubig ang mga beer. Nagmistulang isang malaking inuman ang pinangyarihan ng insidente.

Ayon pa sa imbestigasyon na nakuha ng ABS-CBN, ang truck ay papunta ng Cagayan de Oro mula sa Davao City. Ang driver na si Noel Rances ay bigla umanong iniwasan ang isang puno kaya tumagilid ang truck. Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.

Panoorin ang kuhang video at mga larawan ni Rodlin Gabut sa kanyang Facebook page.

Source :

ABS-CBN, Facebook