Jaycee sa anak ni Isabel: Hindi ko pinapalitan ang mama mo, narito ako bilang tita o kaibigan

Imahe mula sa Instagram account ni @iamjayceeparker

“I am not trying to replace your mom. I am just here as your tita. I am here as your friend o ‘pag kailangan mo ng kausap.”

Sa pamamagitan ng isang mensahe, naging malapit daw ang loob ng anak nina Jericho Aguas at Isabel Granada na si Hubert Aguas kay Jaycee Parker na kasalukuyang kinakasama ni Jericho.

Ayon sa PEP, inamin ni Jaycee na noong una ay hindi sila masyadong close ni Hubert ngunit kalaunan ay nagkahulihan din sila ng loob.

“Okay kami, as in super duper okay kami. Tita, samahan mo ako sa ganito. Tita, turuan mo naman ako sa ganyan. Pati nga panliligaw, nagtatanong sa akin ‘yan. Tita, paano ba manligaw? Sabihin ko talaga hindi ko alam kasi di naman ako nanliligaw. Saka malaki na si Hubert nung pumasok ako sa buhay nila, nakakaintindi na siya,” kuwento ni Jaycee.

“During his birthday last year, minessage ko siya ng heart-to-heart message. Sinabi ko sa kanya, ‘Hubert, I am not trying to replace your mom. I am just here as your tita. I am here as your friend o ‘pag kailangan mo ng kausap.’ I think tumatak sa kanya ‘yung message ko na ‘yon, after no’n, niyakap niya ako. Nag-thank you siya, naging appreciative na siya. Before no’n kasi, hindi pa niya ako masyadong pinapansin. Close kami, pero may wall. Pero after no’ng message ko na ‘yon, naging maayos,” dagdag ni Jaycee.

Samantala, wala pa raw sa plano nina Jaycee at Jericho ang pagpapakasal.

“Okay naman, we’re okay. Okay kami [ni Jericho], okay [din] kami ni Hubert. Kasal? Ay, naku, masyado pang maaga para diyan. Parang ‘di pa talaga possible. Magti-three years na kami, baby wala pa. Pero maybe, kasi 32 na ako, may edad na ako. Pero ‘di pa talaga siya ‘yung pinag-uusapan. More on building career, planning for the future. Hindi na ako ganun ka-active sa showbiz so I have to find other things to make my own money. So, ganun muna ang ginagawa ko bago ako mag-settle down,” wika ng dating Viva Hot Babes na si Jaycee.