Journalist ikinuwento kung paano tinulungan noon ni Duterte ang isang babaeng writer ng Rappler matapos mahulog sa kanal

Images from Henri Uri's Facebook post

MAYNILA, Pilipinas  –  Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng Rappler, isang journalist-broadcaster ang nagkuwento kung paano noon personal silang tinulungan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang isang babaeng writer.

Ayon sa Facebook post ni Henri Uri ng DZRH, nangyari umano ang insidente noong Mayo 9, 2016 sa kasagsagan ng botohan para sa presidential election kung saan nanalo si Duterte bilang bagong Pangulo ng bansa.

Base sa salaysay ni Uri, nahulog umano siya sa kanal kasama ang kanyang photographer at ang babaeng writer dahil sa pakikipagtulakan sa PSG. Nagalusan at nasugatan daw sila pare-pareho dahil sa insidente.

Kitang-kita umano ni Duterte ang nangyari kaya matapos ang presscon, dinala sila ng mga tauhan ng Pangulo sa isang ospital sa Davao City para ipagamot.

Subalit nagulat daw sila pagdating sa emergency room dahil naroon si Duterte at personal na nagmamando para asikasuhin sila ng medical staff.

Asikasong-asikaso umano sila lalo na ang babaeng writer na sinamahan pa ng Pangulo sa X-Ray room para siguraduhin kung okay lang ito.

“Pag-alis niya, tiningnan ko ang oras. Bakit pa niya kami sinamahan dito sa ospital? Bakit siya pa mismo, bakit ganun sya ka concern sa amin?” kuwento pa ni Uri.

Kinalaunan ay idineklara na ngang nanalong Pangulo si Duterte subalit sa halip daw na magpahinga, sila ang inunang asikasuhin ng dating alkalde ng Davao City sa halip na ang mga bisita nito para tiyakin lamang na ligtas sila.

Ang tinutukoy ni Uri sa kaniyang kuwento ay walang iba umano kundi ang kapwa niya Malacanan reporter na si Pia Ranada ng Rappler.

Kumalat ang kuwento ni Uri sa social media ilang araw matapos i-revoke ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang registration ng Rappler dahil sa paglabag umano sa Konstitusyon.

Si Pia Ranada ay isa sa mga kilalang writer ng online news website at miyembro ng Malacañang Press Corps na ilang beses na ring binatikos ni Mocha Uson dahil umano sa pagiging ‘biased’ laban sa gobyerno at sa Pangulo.

Basahin ang buong kuwento ni Henri Uri na nag-viral sa Facebook:

Source :

Facebook