Judy Ann sa renewal of vows nina Gladys Reyes at Christopher Roxas: “Kayo ang katunayan na totoo ang salitang ‘first love’”

Image capture from rosegarciafab/YES Magazine Instagram account

Muling nag-isang dibdib ang celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, makaraan ang 14 taong pagsasama, sa Fernwood Gardens, Tagaytay City nitong Enero 23.

Ayon sa ulat ng PEP, sa parehong petsa ipinagdiriwang nina Gladys at Christopher ang kanilang 25th anniversary bilang couple at ika-14 taon naman bilang mag-asawa.

Beautiful fambam! 💕#25yearsoftogetherness #christopherandgladys25years

A post shared by rose garcia (@rosegarciafab) on

Kabilang sa mga dumalo sa kanilang renewal of vows sina  “Mara Clara” co-star Judy Ann Santos.

Nagsimula ang love story nina Gladys at Christopher sa naturang classic soap opera.

Sa mga naunang panayam kay Gladys, sinabi niyang itinuturing niyang ‘answered prayer’ ang kanyang mister at alam niyang si Christopher ang ‘the one’ para sa kanya.

Sa Instagram post naman ni Judy Ann, ibinahagi nito ang ilang larawan sa kasal ng kanyang kaibigan at inilarawan niya ito bilang ‘relationship goals.’

Ani Judy Ann: “Saksi ako sa matinding pagmamahalan ninyo mula pa ng mga paslit tayo, hanggang ngayon na may kanya kanya na tayong mga paslit.”

Kayo ang katunayan na totoo ang salitang ‘first love’. Mahal na mahal namin kayo,” saad pa nito.

Samantala ibinahagi naman ng YES Magazine sa kanilang Instagram account ang star studded na kasal nina Gladys at Christopher:

@jaya @patriciajavier1 @reginevalcasid @sherilynrtan at the renewal of vows of @iamgladysreyes and @christopherroxas

A post shared by YES! Magazine (@yes_magazine) on

@jaya and her family at the renewal of vows of @iamgladysreyes and @christopherroxas

A post shared by YES! Magazine (@yes_magazine) on

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, KD News, PEP