‘Kasal na kami!’ 1st selfie bilang married couple nina Kara David at LM Cancio ibinahagi sa social media

Imahe mula sa Instagram account ni KaraPatria/Sandra Aguinaldo

Ikinasal na ang award-winning Kapuso reporter na si  Kara David  sa kanyang man of her dreams na singer-songwriter na si  LM Cancio sa isang simpleng seremonyas sa St. James the Apostle Parish Church sa Guagua, Pampanga noong Sabado ng hapon, January 6.

Ayon sa ulat ng GMA, nagsimula ang kanilang relasyon noong May 2015. Lingid din sa ilan na sila’y galing sa parehong high school sa University of the Philippines Integrated  School.

Nitong Disyembre 24 ay nagdaos ng surprise bridal shower para kay David na inorganisa ni Mel Tianco at iba pa nitong kasamahang mamamahayag:

Ibinahagi naman ni Sandra Aguinaldo sa kanyang Instagram ang ilang larawan ng kasalang David-Cancio:

Kara and LM at Betis Church in Pampanga.

A post shared by sandra aguinaldo (@sandraaguinaldo) on

At the beautiful Betis Church in Pampanga for Kara David’s wedding.

A post shared by sandra aguinaldo (@sandraaguinaldo) on

Samantala ibinahagi naman ni David ang unang selfie nila ng mister bilang married couple. Ito ay may caption na: “Kasal na kami!”

Kasal na kami!

A post shared by karapatria (@karapatria) on

Tunghayan pa ang ilang larawan ng kasalang David-Cancio sa ulat na ito ng GMA.

Narito naman ang compilation na ibinahagi ng Showbiz Philippines sa YouTube:

Congratulations!

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Instagram, GMA, GMA, YouTube