Komedyanteng si Bernardo Bernardo, humihingi ng panalangin makaraang ibunyag ang pagkakaroon ng tumor sa pancreas

Imahe mula sa Facebook account ni Bernardo Bernardo/Public Domain

Humihingi ngayon ng panalangin ang aktor na si  Bernardo Bernardo upang malampasan niya ang pinakamalaking laban sa kanyang buhay – ang pagkakaroon ng tumor sa pancreas.

Sa Facebook post ni Bernardo nitong Biyernes, araw mismo ng kanyang kaarawan, sinabi nitong maliban sa history nitong clinical depression, may lumalaki siyang tumor sa pancreas na labis na mapanganib.

Last month, after a series of lab tests (including an ultrasound and CT Scan), my medical specialist friends at the UST hospital, a gastroenterologist and an oncologist, shared their findings: (in layman’s terms) my pancreas is swollen because of a tumor, possibly malignant, growing in the head of the pancreas. As it grows it begins to press on the bile duct and the pancreatic duct and with increasing pressure, the ducts eventually get pinched off,” ani Bernardo.

Ani Bernardo, madalas siyang  mawalan ng gana sa pagkain at may biglaang pagbaba sa kanyang timbang sa loob ng maikling panahon lamang.

Sasailalim umano ang komedyante sa mga serye ng laboratory test sa mga susunod na araw.

Samantala sa Facebook post ng aktres at komedyanteng si Beverly Salviejo, inanunsiyo nito na magkakaroon ng mga serye ng fund raising events para kay Bernardo na sasagot sa kanyang panggastos sa ospital.

Una na rito ang benefit dinner sa SALU RESTAURANT (26 Scout Torillo cor. Scout Fernandez, QC) sa Enero 14, 2018.

Dinadalangin po namin ang inyong agarang paggaling.

 

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Facebook