Lalaking namugot ng ulo ng Santo binatikos sa social media

Imahe mula sa Facebook account ng BuzzPinas

Iba-iba ang ating relihiyon. Iba-iba rin ang ating pinaniniwalaan sa aspeto ng pananampalataya.

Kung iba  ang iyong relihiyon makakaya mo bang gumawa ng hindi kanais-nais sa hindi mo katulad sa pananampalataya?

Umani ng samu’t saring reaksiyon sa social media ang isang lalaki sa pagsira nito sa isang imahe ng santo.

Sa Facebook post ng BuzzPinas, makikitang hawak ng lalaki ang ulo ng santo makaraang lagariin ito.

Hindi naman malinaw kung ano ang intensiyon ng lalaki sa pagpugot nito ng ulo ng santo.

Ikinagalit naman ito ng mga mananampalatayang Katoliko maging ng ilang netizens.

Noong Hunyo 2017, sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at Maute-ISIS group sa Marawi City ay winasak ng huli ang mga santo kasunod ng pagsunog ng isang simbahan sa lungsod.

Binatikos din ang aksyon na ito ng Maute maging ng mga kapwa Muslim.