Lip tint epic fail: Teenager na nagka-infection sa labi, nagbabala hinggil sa paggamit ng produkto

Imahe mula kay Shayren Mariah Cañiban Corda sa kanyang Facebook account

Isa ka rin ba na mahilig gumamit ng Lip tint?

Sa isang video post ay nagbigay ng babala ang isang teenager, si Shayren Mariah Corda, hinggil sa pekeng produkto na iniregalo ng isang kaibigan na nagdulot sa kanya ng kapahamakan.

Dahil sa paggamit ng lip tint ay naimpeksyon ang kanyang mga labi at inabot umano ng dalawang linggo bago ito gumaling. Ngayon ay naulit na naman ang pagbabalat ng kanyang labi at tila may sugat na.

Aniya sa kanyang post:

“Sa sobrang adik ko sa liptint di ko napansin na peke pala ang nabigay sakin ng isa kong frieny last year nangyari nato sakin 2weeks bago sya gumaling ang now eto nanaman nagbabalik 🙈 for girls. PAKI IWASAN ANG PAGBILI NG MGA MUMURAHIN NA LIPTINT OR KAHIT ANONG PAGLAGAY SA MUKHA KUNG AYAW NYONG MATULAD SAKIN di ko sya binili binigay pala hahahaha. Ang hirap kumain jusko lalo na pag babasain mo yung labi mo sobrang hapdi maiiyak ka na lang sa mga nangyayari sa labi mo hys. Akala ng mga claaamates ko tinatamad akong pumasok, well eto ang dahilan kung bakit di ako nakakapasok liptint is life kasi dep*ta 😂😂😂😂

So ayun plsss be aware sa mga binibili at binibigay.”

Nang sumunod na araw ipinost din niya kung anong produkto ang kanyang ginamit na sanhi ng pagbabalat at pagsusugat ng kanyang mga labi. Ito’y dahil na rin sa request ng marami na malaman kung anong produkto ang nagdulot sa kanya ng ganoong kalagayan. Sa isang post ay nilinaw niya na wala siyang sinabi na LAHAT NG TINT AY NAKAKASIRA NG LABI.

Para sa mga kabataan ngayon na mahilig sa mga pampagandang produkto, bumili  sa mga tiyak at lehitimong retailers lamang at hindi sa tabi-tabi o basta nakamumura lang.

Bumuhos ang sari-saring komento hinggil sa paggamit ng lip tint. Mayroong mga nagsabi na hindi naman sila nagkaganoon sa produktong ‘yun at posibleng na-allergy lamang si Shayren.

Narito ang naturang post na nag-viral na:

Samantala, sa mga nagpahiwatig ng sari-saring komento at mayroon pa umanong mga nagalit, ito naman ang kanyang tugon:

“Bahala kayo kung ano icomment nyo about sa post ko, basta ako binabalaan ko lang po kayo 😊 nasasainyo naman po yung desisyon kung bibili pa ba kayo or hindi. Sa mga nagagalit kasi same tint yung ginamit nila at di naman nangyare sa kanila, swerte nyo kasi di nyo naranasan yung ganito 😌 kung gusto nyong maranasan e willing naman po ako ibigay tong tint ko hahahaha. Im just sharing my experience guyss, wala po akong sinabi na LAHAT NG TINT AY NAKAKASIRA NG LABI hahahaha y so cute nung nagsabi nun 😂 kaya di na unlad pilipinas e hahaha. spread love”

tugon