Maris, nadulas tungkol sa pagde-date nila ni Iñigo

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @inigopascual at @mariesteller

Nadulas lamang ang aktres na si Maris Racal kaya naamin niya nang wala sa oras na nagde-date na sila ni Iñigo Pascual.

Ayon sa Abante, sa isang interview kay Racal sa Magandang Buhay ay biglaan niyang nasabi na nagde-date na sila ni Pascual.

San Juan by the bae

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Nabuksan ang ganitong usapin nang tanungin siya ng tatlong host na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal kung bakit mahirap para sa mga kabataan ngayon na umamin tungkol sa kanilang lovelife.

Ani Racal, mahirap magsabi sa kanyang mga magulang dahil makaluma ang mga ito. Bukod pa rito, kahit na nakatira sila sa Tagum, Davao del Norte ay mas nauuna pa raw minsan dito malaman ang mga balita online.

Walang anu-ano ay nadulas si Racal sa estado ng relasyon nila ni Pascual.

“Tatawag ‘yan si Mama, sasabihin niya ‘Maris, lumabas pala kayo ni ano (Iñigo), nabasa ko. Ano ‘yang exclusively talking-talking na ganoon?’ Kasi ‘yong mga ganoon, parang nalalaman lang nila ‘yang mga ‘yan online. Sagot ko kay Mama, ‘Opo, nag-date kami, kumain kami at nanood,” saad niya.

Malinaw naman daw sa mga magulang ng aktres ang estado ng relasyon nila ni Pascual. Sa katunayan nga raw, nakilala na rin ito ng kanyang ina.

Si Racal ay kasalukuyang napapanood sa Hanggang Saan bilang si Nessa, isang tapat na kaibigan nina Paco (Arjo Atayde) at Domeng (Yves Flores); habang kasama naman sa second season ng G Diaries si Pascual.

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, ABS-CBN, Instagram, Instagram