Mas malaking take home pay sa unang sahod ngayong Enero, mararamdaman na

Mararamdaman ang mas malaking take-home pay ng mga empleyado dahil saTax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa unang suweldo sa 2018.

Kamakailan ay  nilabas  na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Revenue Memorandum Circular 105-2017 o ang revised withholding tax table on compensation upang maging smooth transition ang bagong withholding tax rates; ayon sa ulat ng Brigada.

Alinsunod sa Republic Act 10963 o TRAIN law, wala nang income tax ang regular employees na kumikita ng hanggang P250,000 kada taon o may buwanang suweldo  na nasa P20,800 hanggang P21,700.

Tinatayang pitong milyong manggagawa ang ma-e-exempt o hindi na magbabayad ng personal income tax sa 2018.

Nangangamba naman ang ilang mga manggagawa sa posibilidad ng pagtaas ng mga presyo ng iba pang produktong apektado ng tax reform.

Maaaring gamitin ang “tax calculator” ng ABS-CBN  upang makita ang pinagkaiba ng income tax ngayon kumpara sa bagong batas.

Makukuwenta rito ang magiging take-home pay sa ilalim ng bagong sistema sa pagbubuwis.