Megan Young, bumwelta sa basher hinggil sa isyu ng “cropped photo” nila ng beauty queens

Mga larawan mula sa Instagram account ni Megan Young

Isang pambihirang pagkakataong mapagsama-sama sa iisang larawan ang mga tinitingalang beauty queens sa Pilipinas, kaya naman lumikha ng ingay sa social media ang “back to back to back” photo nina Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss World 2013 Megan Young na kinunan pa sa Harpers Bazaar Vietnam para sa isang fashion shoot.

 

Back to back to back ✨

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Maraming pumuri at humanga sa larawang ito, subalit may ilang netizen na bumatikos kay Young at sa management team nitong Aces and Queens dahil “cropped” daw ang larawan at hindi isinama si Miss Earth 2015 Angelia Ong.

“Kasama pala diyan sana si Angelia Miss Earth pero inedit out, grabe naman kayong taga Aces and Queens, ayaw masapawan o pantayan man lang, hayok sa kasikatan ang amo niyong si Empire . . . Kakadismaya naman kayo . . .” ayon sa isang netizen.

Si Ong ay nagmula sa talent camp na Kagandahang Flores ni Rodgil Flores, mahigpit na karibal ng Aces and Queens ni Jonas Gaffud kung saan nagmula naman sina Verzosa, Wurtzbach at Young.

Agad namang dumepensa si Young sa hindi magandang paratang ng netizen.

“I think your comment is malicious and for you to think that we or Aces and Queens ‘took her out’ like you said is merely an assumption that you have. Please stop trying to spread rumors as none of this is true. She wasn’t edited out. She just wasn’t there when we shot this layout. Final say is always with the production and the editorial staff at kailangan nilang tapusin yung prepared layouts. Hindi namin gagawin un na hindi mag sama ng iba – the people around us can vouch for that. If anything, nasayangan nga kami kasi hindi kami kumpleto.”

Dagdag pa ni Young,  “We’re not about kasikatan or whatever superficial notion you are trying to put across. In regards to them not publishing a photo with Angelia, I’m hoping, like you, that one will be posted. But please do not put the blame on us.”

Humingi naman ng dispensa ang naturang netizen sa kanyang mga naikomento hinggil kay Young at sa talent camp nito.