Mister sinunog ang sariling bahay  dahil sa matinding selos sa misis

Image captured mula sa GMA video via Facebook

Arestado ang isang lalaki makaraang sunugin nito ang kanyang sariling bahay dahil umano sa selos sa misis sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City dakong 10:00 n.u. nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng GMA, ang suspek ay kinilalang si Albert  Torea na nagawa umanong sunugin ang sariling bahay dahil sa selos sa misis.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula. Walang ibang bahay na nadamay.

Ayon kay Torea, dalawang linggo na umanong hindi umuuwi ang misis, at dahil dito ay nag-init ang kanyang ulo at doon na sinunog  ang kanyang bahay.

Agad na inaresto si Torea ng mga awtoridad nang ito’y lumabas upang sumuko.

Armado umano si Torea at ang baril ay hiniram niya umano sa kaniyang kaibigan. Itinanggi naman niya ang bintang ng mga kapitbahay na siya’y nagpaputok ng baril at nang-hostage.

Labis naman ang paghingi ng tawad ni Torea sa kanyang pamilya dahil sa kanyang naging aksiyon.

Nahaharap si Torea sa patong-patong na kaso.

Panoorin ang ulat na ito ng 24 Oras para sa iba pang detalye:

Source :

Facebook