Naalala n’yo pa ba si Luningning ng Wowowee? Isa na siyang matagumpay na negosyante

Images by Lea Carlos Santos via Instagram account
  • Lea Carla Santos na mas kilala bilang “Luningning” ay isa nang matagumpay na negosyante
  • Siya ngayon ay may-ari ng Star Danz Studio

Natatandaan n’yo pa ba si Luningning?

Siya ay isa sa mga star dancers noon ni Willie Revillame sa noontime show na Wowowee. Tuwing sisigaw na si Kuya Wil ng “Luningning, pasok!” ay sasayaw na siya sa entablado.

Ang kanyang pagsayaw sa “pasalog” ay isa rin sa mga inaabangan ng mga audience. Upang mapatunayan kung sino ang tunay na magaling ay may showdown pa sila noon ng isa pang magaling na dancer na si Saicy.

Ilang taon na rin ang lumipas at nagpalipat-lipat na si Kuya Wil ng istasyon. Kumusta naman kaya si Luningning?

Isa na siya ngayong matagumpay na businesswoman. Sunod sa kanyang “passion in life”, nagbukas siya ng dance/fitness studio.

Ang Star Danz Studio ay may mga klases para sa mga gustong mag-aral ng Pilates, Belly Dance, Kali, Pole, Aerial Silk at marami pang iba. Mukhang hit nga ang kanyang studio dahil sa dami ng mga klase na ino-offer nila at bongga rin ang mga recitals na ginaganap nila. Nagpapakitang gilas rin si Luningning sa “high-end club” na Valkyrie Nightclub at the Palace.

Ang nakatutuwa pa ay magkaibigan pa rin sila ng kanyang kapwa dancer na si Saicy. Si Saicy ay nag-focus rin sa pagsasayaw bilang isang dancer at instructor.

Maaring mapanood ang video ng Entertainment PH tungkol kay Luningning sa kanilang Youtube channel: