Nakabawi! Trust rating ni Duterte muling pumalo sa ‘excellent’ +75 — SWS

Public Domain

Tumaas ang trust rating ni Pangulong Rodridgo Duterte sa huling quarter ng 2017, kung saan nakakuha ito ng  “excellent” net trust rating ng 75 points;  ayon sa  Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa ulat ng GMA, sa SWS survey na isinagawa noong Disyembre 8-16, nagpapakita na 83% ng mga respondents ay may ‘tiwala’ kay Duterte at 7% ay may ‘maliit na tiwala’ sa Pangulo.

Ayon sa SWS, ang net trust rating ng Punong Ehekutibo ay kinukonsiderang “excellent.”

Saad pa ng SWS,  ang +75 rating ang nag-angat kay  Duterte ng isang grade mula sa “very high” nang siya’y makatanggap ng +60 net trust noong Setyembre 2017.

Nakabawi rin si Duterte makaraang bumaba ang kanyang trust rating sa +15 points noong Setyembre mula +75 noong Hunyo.

Except in September 2017, Pres. Duterte’s net trust rating has been excellent since he became President,” ayon sa SWS website.

It was a moderate +16 when SWS first asked about it in December 2015, and stayed at moderate levels up to March 30-April 2, 2016,” dagdag pa nito.

Ayon sa SWS, ang mga sumusunod ang marka ni Pangulong Duterte: +70 pataas, “excellent”; +50 patungong  +69, “very good”; +30 patungong +49, “good”; +10 patungong +29, “moderate”, +9 patungong -9, “neutral”; -10 patungong -29, “poor”; -30 patungong -49, “bad”; -50 patungong -69, “very bad”; -70 pababa, “execrable”.

Source :

GMA, ABS CBN