#OnboardProposal! Isang simpleng pagdalaw, nauwi sa wedding proposal

Imahe mula sa Facebook account ng Seaman's Girlfriend Confessions

Wala talagang taong busy kapag ikaw ang priority.

Kinakikiligan ngayon sa social media ang on board proposal ng isang seaman sa kanyang girlfriend.

Sa Facebook post ng Seaman’s Girlfriend Confessions, ibinahagi ng isang netizen ang kilig story ng pag-propose ng kanyang boyfriend.

Ang isang simpleng pagdalaw sa barko ay nauwi sa wedding proposal.

Salaysay ng netizen, dadalawin lamang nito ang boyfriend sa barkong  pinapasukan nito dahil nagkataong dumaan ito ng Pilipinas.

Wala umanong kaalam-alam ang babae na planado na ng boyfriend ang gagawing wedding proposal sa kanya at batid na rin pala ng kanyang mga magulang.

Labis na humanga ang soon-to-be ‘Mrs. Dela Cruz’ sa kanyang future mister dahil sa effort na ginawa nito.

Saad pa nito, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ito ng kanilang love story. Hindi rin umano siya nagpatinag sa mga negatibong komentong natatanggap.

Nangako naman ang future ‘Mrs. Dela Cruz’ na magbibigay pa ng update sa kanilang kilig story.

Congratulations!

Source :

Facebook