Overpass of death? Mga kable ng poste madadaanan sa bagong tayong overpass sa España, Manila

Imahe mula sa Facebook account ng 911 Philippines Supporters

Masaya para sa isang nagtatrabaho na nakikita niyang may pinatutunguhan ang pagbabayad niya ng buwis. Pero ano naman kaya ang pakiramdam kapag ang isang proyekto ng gobyerno ay tila palpak?

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang overpass sa España, Manila na sinasabing ‘overpass of death’ dahil sa tila hindi maayos na pagkakagawa nito.

Sa Facebook post ng 911 Philippines Supporters, ibinahagi nito ang isang umano’y  bagong tayong overpass sa  España, Manila.

Kapansin-pansin sa larawan ang mga kable ng poste na hindi naiayos nang maitayo ang overpass.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens ang naturang overpass:

“Stupidity at its finest”  

“When lazyness and stupidity”

“Unsafe act + unsafe scene = Accident”

May mga nagpahayag naman ng pagtuya sa nasabing bagong tayong overpass.

Excellent!! Amazing!!!Henyo!!Bravo!!!”

“Number 1!!!”

“Good job”

Ayon naman sa ilang netizens, hindi pa umano tapos ang konstruksyon ng naturang overpass. Posible rin umanong hindi pa naaayos ng mga electric company ang mga cable wire.

Wala pang tugon ang lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil dito.

Source :

Facebook