Paggamit ng biometrics sa mga bank transactions pinag-aaralan na ng ilang bangko

Imahe kuha sa video ng ABS-CBN

Marami na ang nabibiktima ng bank frauds kaya naman pinag-iisipan ng mga bangko kung paano gagawing mas ligtas ang mga bank transactions ng kanilang mga kliyente.

Ang paggamit ng biometrics ang pinag-aaralan ngayon upang matiyak ang seguridad ng mga transaksiyon sa bangko lalo na sa online banking. Ayon sa isang cybersecurity consultant na nakapanayam ng ABS-CBN, mauuso na ang paggamit ng biometrics upang maging mas secure ang online banking sa bansa sa mga susunod na taon.

Ang paggamit ng fingerprint, retina at brain waves ay ilan lamang sa mga naiisip na gamitin sa bank transactions at sa hinaharap ay posible rin umanong gumamit ng DNA para sa mga malalaking transaksiyon.

“Biometrics in nature, you can use your fingerprints, you can use your retina, and then we can alo use your brainwaves. And in the future, probably, you can use your DNA,” sabi ni Henry Lee, cybersecurity consultant para sa Indra Philippines.

Sa ngayon, may mga bangko na gumagamit na ng facial recognition software para mabuksan ng kanilang mga kliyernte ang kanilang mobile banking account. Kailangan lang kumurap ng kliyente sa harap ng mobile phone upang masigurong hindi larawan ang nakatapat dito.

Panoorin ang video report ng ABS-CBN: