Pangulong Duterte, walang planong manatili sa puwesto; ChaCha haharangin ni Trillanes

Imahe mula sa Twitter account ng GMA

Wala umanong plano si Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa puwesto kahit pa mabago ang uri ng pamahalaan sa Federalism sa pamamagitan ng Charter Change; ito ay ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte.

“He does not want a term extension for him. In fact pag nagawa na niya yung mga pinromise niya na gagawin niya para sa ating bansa…gusto na niya mag-retire,” ayon kay Mayor Duterte.

The President is not supportive of a no-election scenario because he respects the democracy that we have in our country,” dagdag pa nito.

Ngunit sinabi ng Alkalde na ipauubaya na lamang sa House of Representatives ang nilalaman ng bagong Konstitusyon na naka-draft na magpapalit ng uri ng pamahalaan tungo sa Federalism; ayon sa ulat ng GMA.

Antayin na lang natin kung ano yung maporma na type of federalism na setup para sa ating bansa and then that will be submitted to a plebiscite,” anang Alkalde.

Kung alin man ‘yung manalo, yes or no, we should respect the decision of the majority,” dagdag pa nito.

Isinusulong  ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa House of Representatives ang Federalism upang mas maging independent umano ang bawat rehiyon sa bansa.

Nais nila itong gawin sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con Ass kung saan ang bawat miyembro ng Kongreso ay aaprubahan o hindi ng taumbayan sa isang plebisito.

Samantala, nagbanta naman si Senador Antonio Trilllanes IV na kanyang haharanging ang anumang hakbang sa Charter Change na magbibigay-daan tungo sa Federalism.

Panoorin ang ulat na ito ng 24 Oras para sa iba pang detalye:

Source :

24 Oras, GMA, RMN