Panoorin: Robot na mabilis magtupi ng mga nilabhang damit

Hindi mo ba gustong magtupi ng mga damit na nilabhan? Kung oo, hindi ka nag-iisa dahil ang pagtutupi ng damit ay isa raw sa pinaka-aayawang gawaing-bahay. Kaya naman isang kumpanya ang nag-imbento ng robot na nagtutupi ng mga damit.

Ang imbensiyon ay tinawag na laundry folding machine o robot. Unang ipinakilala ng kumpanyang Foldimate sa Consumer Electronics Show (CES) noong nakaraang taon sa Las Vegas ang robot at nakakuha sila ng 8,000 pre-order reservations. Nagkakahalaga iyon ng $850 bawat isa.

Sa CES 2018 na gaganapin sa ika-9 hanggang ika-12 ng Enero ay ipakikilala naman ang bagong disenyo ng laundry folding robot. Ang unang bersiyon ng machine ay hindi kayang magtupi ng tuwalya at punda ng unan. Ngayon kaya nang itupi ang mga iyon kasama na ang mga damit, pantalon. Mula 20 hanggang 40 damit daw ang kayang itupi ng makina sa loob ng apat na minuto.

Hindi pa rin kayang itupi ng folding machine ang medyas, underwear, hoodies at damit ng mga baby.

Ang bagong laundry folding machine ay maaari umanong mabili bago matapos ang taong 2019.

Panoorin sa YouTube ang nagagawa ng laundry folding machine:

 

Fact-checked against the following source(s) :

YouTube, Inquirer, The Verge