Paul, iniiwasang idirek si Toni

Imahe mula sa Instagram account ni Toni Gonzaga

Iniiwasan daw ng direktor na si Paul Soriano na idirek ang kanyang asawang si Toni Gonzaga.

Ayon sa PhilStar, kasama sa mga project ni Paul ngayong 2018 ang movie para sa kanyang asawa at kapatid nitong si Alex, ngunit producer lang umano ang magiging papel nito.

Iniiwasan daw ni Paul idirek ang kanyang misis dahil baka raw madala pa sa set ang personal nilang buhay at magkaroon pa ng conflict.

Siargao

Samantala, isasali raw sa mga international filmfest ang Siargao, na idinirek ni Paul.

Matatandaang noong Metro Manila Film Festival Awards Night ay nanalo ang pelikula ng seven major awards.

Kabilang sa nasabing awards ang Second Best Picture, Best Director (Direk Paul Soriano), Best Supporting Actress (Jasmine Curtis Smith), Best Editor (Mark Victor), Best Cinematography, Best Original Theme Song (Alon) and Best Sound.

Ito ang first venture ni Paul sa MMFF kaya hindi siya umasang maghahakot ng awards ang pelikula at ngayon nga ay kumikita pa.

Sa summer pa raw sana ang showing ng pelikulang ito na nakasentro sa kagandahan ng Siargao at sinubukan lang nilang i-submit sa festival. October pa lang ay tapos na sila kaya nang marinig ng kanyang film production na finished product ang hinahanap, isinumite nila ito.

May business si Paul sa Siargao, ang Harana Bar, kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena na napanood sa movie. Halos tatlong taon na raw ang nakalipas nang mabili nila ng dalawang kaibigan ang property.

Ang Siargao ay pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jericho Rosales, at Jasmine Curtis-Smith.

Throwback. Narito ang wedding video nina Paul at Toni: