#PrayForJollibee! Jollibee dumaranas nga ba ng matinding depresyon?

Imahe mula sa Facebook account ng BuzzPinas

Be happy? Taliwas sa tagline ng kilalang fast food chain ang pagiging umano’y depressed ngayon ni Jollibee.

Naging katatawan naman ngayon ang viral photo ni Jollibe na tila may matinding pinagdaraanan.

Sa Facebook post ng BuzzPinas, ibinihagi nito ang larawan ni Jollibee na nakaupo sa hagdanan at tila depressed.

Ito ay may caption na: BREAKING NEWS: Masayang bubuyog, dumaranas ngayon ng matinding DEPRESSION. #PrayForJollibee #JollibeeDepressed.

Hindi naman malinaw ang dahilan ng umano’y depresyon ni Jollibee na siya namang kinaaliwan ng mga netizens.

Kamakailan lamang ay nag-viral din si Jollibee at iba pang kasama nito nang makipag-showdown ito kay McDonalds.

Noong Nobyembre naman ay nag-trending din si Jollibee makaraang mahuli dahil wala itong suot na helmet habang nakamotor.

Imahe mula sa Facebook account ng Matalinong Matsing
Imahe mula sa Facebook account ng Matalinong Matsing

At noong Oktubre ay sumabit pa ito sa isang pampasaherong jeep.