Publiko, pinag-iingat sa pekeng website ng BPI

Imahe mula sa Pinoy Money Talk/Public Domain

Pinag-iingat ngayon ang publiko lalo na ang mga customer ng diumano’y pekeng website ng Bank of the Philippine Islands (BPI).

Sa ulat ng Pinoy Money Talk, pag-aari umano ng isang nagngangalang Roldhan Plasabas  mula sa Davao City ang naturang pekeng website.

Sa pekeng website na ito ng BPI halos kamukha ito ng lehitimong  website ng BPI. Ang bpiexpressonlineph.com  ay katulad ng opisyal na website ng  BPI na www.bpiexpressonline.com.

Kung hindi mo titignang mabuti ang website maaaring ikaw ay mabiktima ng pekeng website na ito kapag ika’y nag-rehistro.

Kapansin-pansin din umano ang link https sa halip na http, sa siyang lehitimong link.

Sa naturang pekeng website ng BPI, bubungad ang: “Update Personal Information” at hihingiin ang password ng iyong email address. Huwag na huwag mong ilalagay ang mahalagang impormasyon iyon.

Kasunod nito ang paghingi ng Credit Card details, gayundin ang Card Security Code o ang CVV number; bagay na mahalaga kung ika’y gumagamit ng credit card online.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng BPI hinggil dito.

Samantala, masdang maigi ang  mga sample na larawan na ibinahagi ng Pinoy Money Talk upang mas maunawaan ang mga bagay na dapat suriin.