Queenie Padilla ipinagtanggol ang ama: “My father is not a racist”

Imahe mula Instagram account ni Robin Padilla/Image captured sa ABS CBN video via You Tube

“My father is not a racist.”

Ipinagtanggol ni Queenie Padilla ang amang si Robin Padilla laban sa mga bumabatikos dito kaugnay sa isang Korean contestant na pilit umanong pinagsasalita ng Tagalog sa “Pilipinas Got Talent” noong Enero 13.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Queenie na dapat munang matutong mag-Tagalog ni Kim Jiwan bago lumahok sa PGT.

Sa Instagram post ni Queenie, ipinaliwanag nito na hindi ‘racist’ ang kanyang ama sa naging aksyon nito kay Jiwan.

Calling my father a racist is wrong,” ani Queenie. “My father called Jiwan ‘anak’ and hugged him. Is that an act of racism?”

Calling my father a racist, is wrong. My father called Ji-Wan “anak” and hugged him. Is that an act of racism? Look at it this way, Ji-Wan asked Papa in an improper way, “can I use you?.” I know Ji-Wan may have meant well and may have been nervous but I think that’s where my dad got offended. That in itself is disrespectful whether or not my father is who he is, Ji-Wan is younger than him. We should show respect to our elders. The right way would have been to ask, “can you please help me?” As for my father, the tone of my dad may have been harsh towards Ji-Wan but that’s the way my father is, even when he is disciplining us [his children]. It’s not because my dad is hating on him, my dad just expected more from him since, he grew up in the Philippines. They both meant well. I think we should define this situation how it ended, not how it started. #Love #Peace #Unity #pilipinasgottalent2018

A post shared by Queenie Padilla (@queeniepadillarevert) on

Wika pa ni Queenie, ang umano’y ‘harsh tone’ na ginamit ni Robin kay Jiwan ay walang pinagkaiba sa pagdisiplina nito sa kanila noong sila’y bata pa.

It’s not because my dad is hating on him; my dad just expected more from him since he grew up in the Philippines,” saad pa ni Queenie.

Paliwanag pa ni Queenie, kaya nairita ang ama dahil ‘hindi tama’ ang paraan ng paghingi ng tulong ni Jiwan kay Robin.

Pinatungkulan ni Queenie ang pahayag ni Jiwan kay Robin: “Can I use you?” sa paghiling nito para sa isang hand tricks.

That in itself is disrespectful whether or not my father is who he is, Jiwan is younger than him,” ani Queenie.

We should show respect to our elders. The right way would have been to ask, ‘Can you please help me?’

Sumunod lamang si Robin sa hiling ni Jiwan noong ito’y nagsalita na ng Tagalog.

Si Jiwan ay nakakuha ng tatlong ‘Yes’ votes sa kabila ng nangyari.

Muling tunghayan ang January 13 Episode ng ‘Pilipinas Got Talent‘: