Respondent sa P6.4-B shabu mess sa BOC, nagtangkang tumakas ng bansa

Public domain

Binalak tumakas ng bansa ng isa sa respondents ng P6.4 bilyong shabu smuggling case; ito ay ayon kay  Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II

Ayon sa ulat ng Brigada, tinangka umano ni Richard Chen, may-ari ng warehouse sa Valenzuela kung saan nasamsam ang P6.4 bilyong halaga ng shabu na pinalusot sa Bureau of Customs, na lumabas ng bansa.

Ayon sa kalihim, ang tanging dahilan kaya’t hindi makaalis ng bansa si Chen ay ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) pero hindi umano tiyak kung gumawa ng ibang paraan si Chen para makalabas ng bansa.

Pakiwari nila ay nasa bansa pa si Chen dahil wala namang notice mula sa Immigration na lumabas na ito ng Pilipinas.

Dalawang beses umano na nagtangkang lumabas ng bansa si Chen at may tumulong pa rito upang makaalis ng Pilipinas  na isang immigration officer na isa ng AWOL.

Samantala ibinasura ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 171 ang kaso laban sa 5 sa 9 respondents dahil sa kawalan ng  jurisdiction.