Robin Padilla, tinawag na “racist” matapos piliting mag-Tagalog ang Korean PGT contestant

Imahe kuha sa video ng ABS-CBN

Sari-saring batikos ang natanggap ni Robin Padilla sa mga social media users matapos niyang pilitang magsalita ng Tagalog ang isang South Korean constestant sa “Pilipinas Got Talent” (PGT).

Ayon sa The Summit Express, nais ng contestant na si Jiwan Kim, 20-anyos, na gamitin bilang assistant si Robin Padilla sa gagawin niyang magic trick, subalit tumanggi ang aktor dahil gusto niyang mag-tagalog ito. Iginiit ni Padilla na “Pilipinas Got Talent” ang contest at bilang contestant ay dapat magsalita ng Tagalog si Jiwan.

Pinuri naman ng mga netizens si Angel Locsin dahil sa pagtulong niya kay Jiwan. Tinuruan niya ito ng mga dapat sabihin kay Padilla sa wikang Tagalog. Sa kabila noon ay tumanggi pa rin si Padilla na magamit siya sa magic trick.

“Iho, Pilipinas Got Talent. mag-Tagalog ka kasi magmumukha kaming katawa-tawa kung mag-i-English kami para sa iyo,” giit ng aktor.

Maging si Vice Ganda ay inulan ng batikos sa sinabi niya sa contestant.

“It is your social obligation to learn the language of the Philippines since you’re living the country for many years now,” saad ni Vice Ganda.

Narito ang ilang batikos kay Padilla at Vice Ganda:

“Force someone to speak in Tagalog? Where in the first place, it is not easy to learn English. As long as they used Universal language, we can understand each other. Just saying.”

“We know na it’s Pilipinas Got Talent. But WTH, you shouldn’t have accepted Kim Jiwan for auditions if you will shame him like that.”

“I can’t bear watching Robin being rude to someone who loves Phillipines and its people. A big clap for Angel for being considerate.”

“SMH on Vice Ganda saying it’s the contestant’s ‘social obligation’ to learn Filipino bec he has stayed long enough in the Philippines. Like seriously? Tapos may Robin Padilla pang nagdedemand na mag-Tagalog siya dahil Pilipinas Got Talent daw. WHAAAAAT?

Narito ang video ng insidente: