Sa kauna-unahang pagkakataon, Mark Bautista ibabahagi ang tungkol sa kanyang love life

Imahe mula sa Instagram account ni @iammarkbautista

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibabahagi ng mang-aawit na si Mark Bautista ang kanyang love life sa publiko, sa pamamagitan ng kanyang memoir na malapit nang ilabas.

Ayon sa PEP, magkahalong kaba at excitement daw ang nararamdaman ni Bautista sa ngayon.

“May isang chapter na tinawag ko na parang love lessons or something. Lahat doon, na-narrate ko. Alam mo sa mga interviews ko, never akong nagsalita tungkol sa love life. Andoon din yung mga bagay-bagay. I think, sana ma-embrace nila. Sa mga dumarating sa buhay mo, may purpose, so I think lahat ng nangyayari sa buhay ko, may purpose lahat. Ipinagdarasal ko ito, hinihingi ko yung, ‘Lord, tama ba itong ginagawa ko,” kuwento niya.

“Even with the release of the book, October 2017 ang gusto ko. Pero for some reason, nag-iiba yung schedule, hanggang sa naging January 2018. So, nag-let go na lang ako. I don’t know kung bakit kung ano yung gusto ko, hindi nangyayari. Baka may reason. So, kapag may mga ganoong bagay, hindi ko masyadong pinipilit. Mas tinitingnan ko siya na baka may reason kung bakit ganoon,” dagdag pa niya.

Isang panibagong paglalakbay daw para sa mang-aawit ang pagbabahagi sa publiko ng kanyang personal na buhay.

“It’s the start of a new journey. I think, na-tackle ko naman [sa book] ‘yong ups and downs ko, not just in my career, but in my personal life. I think may mapupulot sila na aral sa stories na ibinigay ko. Ayokong i-assume na, okay, iiyak kayo dito o baka iiyak ‘yong mga tao. Gusto ko lang i-share ‘yong totoo, kung ano ‘yong nangyari talaga. Bahala na sila mag-interpret. Actually, no’ng natapos ko na siya, para akong mas mabigat ‘yong tanong ko sa sarili: ‘Okay, what’s next? Kasi parang naisulat ko lahat ng nangyari, ‘yong past,” aniya.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Bautista ang cover ng Beyond The Mark.

ME #beyondtheMark #2018

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Throwback. Here’s one of Mark Bautista’s first performances: