Sef: Hindi kami nag-break ni Maine kasi hindi naman naging kami

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @sefcadayona at @mainedcm

Hindi kami nag-break kasi hindi naman naging kami.

Ito ang paglilinaw ng aktor na si Sef Cadayona, na noon pa man ay nali-link na kay Maine Mendoza dahil sa closeness niya sa aktres. May mga usap-usapan din kasi na hiwalay na ang dalawa.

“Hindi naman kami nag-break kasi hindi naman po naging kami. Wala pong nangyaring kahit na ano, just to clear it out again and again and again. Wala pong gano’n,” wika ni Cadayona sa isang panayam.

Ngayon, pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa buhay ni Mendoza, marami ang napapaisip kung kumusta na ang samahan nila ng aktres.

“Friends po kami,” sabi ni Cadayona.

Samantala, nilinaw din niya na kahit kailan ay hindi sila nakatungtong sa bahay ng isa’t isa.

“We hang out as friends pero… iyon lang,” aniya.

Narito ang buong interbyu kay Cadayona:

Source :

YouTube