Sofia, masayang-masaya sa pagkakaayos ng mag-amang Diego at Cesar

Mga imahe mula sa Instagram account nina @cesar_montano at @iamsofiaandres

Masayang-masaya raw ang aktres na si Sofia Andres sa pagkakaayos ng mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga.

Ayon sa PhilStar, nagkaayos na rin sa wakas sina Montano at Loyzaga; ilang buwan matapos i-post ng binata sa social media ang mga pasaring niya sa kanyang sa ama.

“I’m so happy, kasi based noon sa mga kuwento niya na mayroon nga silang hindi pagkakaintindihan. But I’m really happy na nagkaayos na sila based sa naging kuwento niya. Siyempre iba pa rin ‘yong okay ka sa magulang mo, e, kumpleto,” masayang kuwento ng ka-love team ni Loyzaga na si Andres.

@diegoloyzaga @alvinanson @shirleypizarro @dollywood922

A post shared by Cesar Montano (@cesar_montano) on

Samantala, kamakailan ay kumalat sa social media ang kontrobersyal na post ni Loyzaga ng kanyang hubad na larawan. Nagbigay ng reaksyon tungkol dito si Andres.

“I don’t know about that. Kasi hindi ako masyadong ma-social media ngayon so hindi ko nakita. Siyempre nagulat ako, pero hindi ko na siya tini-tease pa about that or sitahin siya. Kasi malaki na siya, alam na niya ang tama at mali. Hindi ko siya puwedeng i-judge na na-off ako sa kanya. Sa aming dalawa kasi pinagsasabihan ko siya, pinagsasabihan niya rin ako, so walang judgment,” saad niya.

Nauna nang nilinaw ni Loyzaga na aksidente ang kanyang pagkaka-post ng nasabing larawan sa kanyang Instagram habang nagbabakasyon siya sa Sweden. Kaagad niya naman daw itong dinelete ngunit marami na rin ang nakapag-screenshot ng naturang mga larawan.