Tanya Garcia may buwelta kay Sen. Bam Aquino hinggil sa survey sa senatoriables

Imahe mula sa Facebook account ni Tanya Garcia/File photo

Sa pambihirang pagkakataon ay nagkomento ang aktres na si Tanya Garcia kaugnay sa isyung pampulitika.

Ayon sa ulat ng Abante, hindi umano napigilan ni Garcia na magbigay ng reaksyon sa naging komento ni Sen. Bam Aquino sa resulta ng survey  para sa 2019 Magic 12 para sa senatoriables.

Sa naturang survey, nanguna si Senator Grace Poe at kabilang din ang dating senador na si Lito Lapid. Ang nakatatandang Lapid ay father-in-law ni Tanya dahil sa mister niyang si Mark Lapid.

Paniwala kasi ni Aquino na dahil sa labis na exposure ng mag-amang Lapid sa primetime series na “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN kaya nakapasok sa Top 12 survey ang dating senator.

Dito umano nagpahayag ng saloobin si Garcia sa kanyang social media account:

Ayon kay Tanya, “Hmmmm …why Bam Aquino???? So you think ikaw lang deserving maging senator??? At yung ibang humahabol, hindi? O e di ikaw na! Ikaw na! Bam Aquino for Senator this 2019! I sincerely hope you win ng madami ka pang magawa!

At nakakatawa kayo, ke LP man or hindi, nung senador si Lito Lapid ang daming niyong sinasabi, ngayon na nag-aartista na nga lang ay may sinasabi pa rin kayo! Ano ba talaga gusto nyo gawin nung tao????

“P.S. if you claim you respect the results of the survey, dapat wala ng ‘kaya lang….’ if you really claim you respect it, you’d keep your mouth shut.

Nilinaw din ng aktres na hindi tatakbo si Lito Lapid sa pagka-senador sa 2019.