Taxi driver, Lodi ngayon sa paggamit ng ‘Downy Sweetheart’ bilang air freshener sa kanyang sasakyan

Imahe mula sa Facebook account ni Kassy Pajarillo/Public domain

Likas na madiskarte ang mga Pinoy. Gumagawa at gumagawa ng paraan kung paano magiging maayos ang isang bagay.

Isang taxi driver ang nag-viral dahil sa paggamit nito ng Downy  bilang air freshener sa kanyang sasakyan.

Sa Facebook post ni Kassy Pajarillo, ibinahagi nito ang kanyang natatanging karanasan sa pagsakay nito sa taxi.

Salaysay ni Kassy, hindi naman sadya ang pagsakay niya sa sa taxi na may plate number  UVP718  na minamaneho ni Jun Quiao dahil nagkansela ang Uber na kanyang nirentahan.

Sa loob ng taxi ay umagaw ng atensyon ni Kassy ang isang bukas na Downy sachet. Inakala pa nitong ibinibenta ito ng driver.

Paliwanag ni Quiao, sa halip na air freshener ay gumagamit ito ng Downy na mas ligtas pa.

Dagdag pa ng driver, ginagamit niya rin ang Downy pampunas sa kaniyang sasakyan; dahilan kung bakit mukhang bago pa ito.

Ani Quiao: “Dami na gumaya nyan sa akin. Sana manalo na ako ng Downy. Yan din gamit ko sa kwarto pang pabango.”

Dahil sa tuwa ni Kassy ay binigyan niya ito ng tip upang makabili pa ng maraming Downy.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook