Too hot to handle! Nadine Lustre muling binuhay ang iconic pose ni Claudine Barretto sa Folded & Hung

Imahe mula sa Facebook account ng Folded & Hung

Batid ng lahat na si Nadine Lustre ay isa sa mga pinakasikat na young celebrities ngayon.

Kaya naman hindi nakagugulat kung si Lustre ang napiling gumawa ng Folded & Hung na popular advertising campaign ni Claudine Barretto noon.

Sa Facebook post ng Folded & Hung, ibinahagi nito ang larawan ni Lustre at ang recreation successful ad ni Barretto.

Noong 2004, si Barretto ay na-feature sa successful ad na suot ang Swarovski-adorned Folded & Hung logo shirt at white denim cut-offs. Makaraan ang mahigit isang dekada si Nadine naman ang magsusuot ng parehong outfit.

Ang naturang photoshoot ay kickoff ng 20th anniversary campaign ng Folded & Hung.

Ito rin ang unang project ni Lustre ngayong taon.

Kamakailan ay nag-viral ang Kapamilya actress sa kanyang mga sexy photo sa Eskaya Beach Resort Bohol.

Follow me, my darling I'm on the rise.

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on