Unkabogable talaga! Vice Ganda, muling “kinabog” ang box-office record sa MMFF 2017

Mga larawan mula sa official Instagram account ng Star Cinema

Masasabing “unkabogable” talaga ang It’s Showtime host na si Vice Ganda matapos masungkit ng Gandarrapido: The Revengers’ Squad ng Star Cinema ang number 1 spot sa takilya sa nakaraang Metro Manila Film Festival o MMFF noong 2017.

Ayon sa ABS-CBN News, kumita ng 571 milyong piso sa takilya ang “Revengers’ Squad” at halos matalo ang sariling pelikulang The Super Parental Guardians noong 2016 kasama si Coco Martin na tumabo ng 598 milyong piso. Ngayong MMFF 2017, si Coco naman ay bumida sa remake ng Ang Panday sa ilalim din ng Star Cinema.

Dahil dito, hawak pa rin ni Vice Ganda ang titulong ‘2nd highest-grossing film of all time” sa lokal na pinilakang-tabing. Nagkaroon naman ng victory party ang Star Cinema para sa production team at cast ng pelikula noong Enero 18, 2018.

The unkabogable superstar Vice Ganda! #TheRevengerSquad #TRSVictoryParty

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

The whole #TheRevengerSquad team with ABS-CBN President and COO Carlo Katigbak, Star Cinema Managing Director Olive Lamasan, and Star Cinema New Media Head Enrico Santos! #TRSVictoryParty

Batay sa panayam kay Vice Ganda, nakikita ng Diyos ang tunay nilang intensyon kaya patuloy silang binibiyayaan, gayundin, talagang pinagtrabahuhan umano nila ito para sa ikaliligaya ng mga manonood.

Ang Gandarrapido: The Revengers’ Squad ay ipalalabas abroad. Bukod kay  Vice Ganda, pinagbibidahan ito nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.