Upang labanan ang krimen DILG nais maglagay ng checkpoints sa bawat  barangay

Images via Abante

Nais ni Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño na palagyan ng mga security checkpoint ang 42,036 barangay sa bansa.

Ayon sa ulat ng DWIZ, sinabi ni Diño na ang hakbang na ito ay upang mapigilan ang mga kriminal partikular ang mga motorcycle riding in tandem sa kanilang mga ilegal na gawain tulad ng mga pagpatay at iba pang krimen.

Naniniwala umano si Diño na  magiging limitado na lamang ang paggalaw ng mga kriminal dahil wala na silang ibang mapupuntahan kung maglalagay ng mga barangay checkpoints.

Maaaring hingiin ng mga Barangay executives ang mga official receipts o certificates of registration at iba pang dokumento  na  may kaugnayan sa mga motorsiklo na bagong salta lamang sa kanila.

We will have lesser suspected criminals going around in our barangays,” ani Diño.

Samantala bukas naman si retiring Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa sa panukala ni Diño ngunit ito dapat ay may supervision ng mga pulis na ilalagay sa barangay checkpoints.

Fact-checked against the following source(s) :

DWIZ, PhilStar, DZRH