Upang makatipid, 50-anyos  na lalaki sabay-sabay na pinakasalan ang 3 babae sa iisang seremonya

Imahe mula sa video ni Kiet Luan via You Tube

Nag-trending ngayon ang isang 50-anyos  na lalaki sa Uganda nang magpakasal ito sa tatlong babae sa iisang seremonya!

Ayon ulat ng Naij, sinabi ni Mohammed Ssemanda na hindi niya kayang pakasalan nang magkakahiwalay ang tatlong babae kaya’t ito’y kanyang pinagsabay-sabay upang makatipid.

Imahe mula sa video ni Kiet Luan via You Tube
Image capture mula sa video ni Kiet Luan via YouTube

Si Ssemanda ay isang food vendor sa Katabi, Wakiso District.

Batid ng tatlo niyang  misis  na hindi financially stable ang mister ngunit pumayag pa rin daw silang magpakasal sa kanya dahil sa ‘love’.

Napag-alaman na ang 48-anyos na bride na si Salmat Naluwugge ay kanya nang ka-live in sa loob ng 20 taon at sila’y may apat na anak. Si Mastulah, 24, at Jameo Nakayiza, 27, ay kanyang mga asawa na rin.

Imahe mula sa video ni Kien Luan via You Tube
Imahe mula sa video ni Kien Luan via You Tube

Ani Ssemanda: “My wives are not jealous against each other. Good enough, each has got a home and I promise to work harder and support them.”

Masaya naman si Salmat Naluwugge dahil sabay-sabay silang pinakasalan ni Ssemanda. Aniya, ito’y simbolo ng pantay-pantay na pagtingin ng mister sa kanilang tatlo.

Source :

Naij, Naija Peek, RMN