[Video] Zac Efron, sinariwa ang magaganda niyang karanasan sa Bulkang Mayon at sa Bicol

Mga imahe mula sa Facebook page ni Zac Efron

Binalikan ng Hollywood actor na si Zac Efron ang kanyang naging karanasan sa pag-akyat sa Bulkang Mayon at sa paglibot sa lupaing nakapaligid dito.

Sa isang panayam, inilahad ni Efron ang mga magagandang karanasan niya noong 2012 sa Bicol, kung saan naroon ang Mayon.

“I’ve been (in the Philippines) for quite a while. I took my dad out there and we went to the top of the [Mayon] volcano,” kuwento niya. [Nakapunta na ako noon sa Pilipinas. Dinala ko ang aking ama sa taas ng Bulkang Mayon.]

Sa katunayan, ginawa pa niyang cover photo sa kanyang verified Facebook page noong Setyembre 2012 ang isa sa mga larawan niya sa nasabing biyahe.

Puring-puri rin ng aktor ang kagandahan ng kultura sa lalawigan kung saan naroroon ang bulkan.

“We rode ATVs down the sides through different villages and we were there for a whole day excursion. We really got to see what it’s like out there and it is stunning. It’s beautiful and the culture is really amazing,” aniya.

[Sumakay kami sa ATVs at lumibot sa iba’t ibang lugar sa palagid nito. Namasyal kami roon sa loob ng isang buong araw. Nakita talaga namin kung ano ang mga naroroon, at sobrang ganda ng karanasang iyon. Napakaganda ro’n, at kamangha-mangha ang kultura.]

Narito ang buong panayam kay Efron:

Source :

YouTube, Facebook