Vina Morales nagsalita hinggil sa inasal ni Robin Padilla sa Korean na ‘pinilit’ niyang mag-Tagalog sa  “PGT”

Imahe mula sa Instagram account nina: Vina Morales/Robin Padilla

Nagsalita na si Vina Morales sa hinggil sa diumano’y pagiging ‘racist’ ni Robin Padilla sa isang Korean na kalahok sa “Pilipinas Got Talent” kung saan pinilit niya itong mag-Tagalog.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Vina na na-misinterpret lamang si Robin ng publiko nang pangaralan nito si Kim Jiwan sa January 13 episode ng PGT.

Paano ko ba ma-describe si Robin sa isang word? Kasi napakabuting tao nito eh,” ani Vina.

Naiintriga nga ngayon eh kaya please tigilan na yan kasi he really has a good heart… “He has a good heart, good soul; may puso ‘tong taong ‘to I really have a soft spot kay Robin and lahat ng mga nagmamahal sa kanya, naiintindihan ‘yung mga napagdadaanan niya ngayon.

Wika pa ni Vina, lagi niyang suportado ang dating ka-love team dahil mas higit niya itong kilala.

“Very straightforward siya pero hindi mo naman kailangan yung mga nagmamahal sa kanya hindi dapat dinidibdib ‘yon kasi kung may payo lang siyang ganoon, you know let’s take it in a constructive way ‘di ba?

 “Para sa akin, dapat i-stop na [‘yung bashing] kasi may good intention naman ‘yon sa kanya bilang parang tatay katulad ng sinabi niya.”

Sina Vina at Robin ay nagkasama sa pelikulang: “Ang Utol Kong Hoodlum.”

Nauna nang ipinagtanggol ni Queenie Padilla ang ama laban sa mga bashers.

Muling tunghayan ang January 13 Episode ng ‘Pilipinas Got Talent‘: