Viral: Regalo para sa kaibigan, semento ang ginawang balutan

Mga imahe mula sa Facebook post ni Isko Anzures Santiago

Ang pagbibigay ng regalo ay isa ring sining para sa marami. May  mga taong talagang pinagpaplanuhang maigi kung paano mapapasaya ang pagbibigyan. Pinagsisikapan ang lahat, mula sa paghahanap ng kakaibang bagay hanggang sa pagpili ng pinakaespesyal na balutan.

Sa Facebook, ibinahagi ni Isko Anzures Santiago ang regalo sa kanya ng kaibigang si Lemuel Ortega.

Kaya lang hindi ito isang pangkaraniwang handog lamang dahil ito ay ibinalot sa semento —  oo, semento nga  —  at kinailangan pa ni Santiago na gumamit ng pambasag ng semento.

“Maraming salamat Lemuel Ortega sa napakaganda at napakadaling buksan na exchange gift mo sakin. Ivan Jethro Ortega, Raaia Ileto-Ortega ang tataba ng utak niyo!” aniya.

Image by Isko Santiago
Image by Isko Santiago

Sa kanyang post ay naroon ang isang video at ilang larawan kung paano niya nabuksan ang regalo. Kabilang sa mga larawang naroon ang litrato ng laman na regalo.

Sa panayam ng Balita DF sinabi ni Isko na: “May prize po kasi iyong pinakamahirap buksan na gift sa ginanap na Christmas party namin.”

Walang duda, ang gift na iyan ang nagwagi.

Naging viral ang nasabing post at mayroon na ito ngayong libo-libong reactions at shares. Ang video naman ay mayroon nang mahigit 850,000 views.

Ang plano ni Ortega na patawanin (at asarin) ang kaibigan ay naging matagumpay — at may bonus pa! Ang regalong pinaghirapang balutin ni Ortega — at pinaghirapang buksan si Santiago — ay nakapagpasaya na at ngayon nama’y ‘nagpapasaya’ sa maraming netizens.

Narito ang kanyang post:

Source :

Facebook