Wow mali! Biniling ice cream sa isang supermarket, “frozen spaghetti” ang laman!

Mga larawan mula sa Facebook account ni Nikki Calalang

Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang “kagulat-gulat” na laman ng ice cream container na binili niya sa isang supermarket na nasa San Fernando, Pampanga nitong Enero 12, 2018.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Nikki Calalang,  bumili ng isang galong ice cream sa Walter Mart San Fernando, Pampanga ang kanyang ina, subalit laking gulat nila nang tumambad sa kanilang harapan ang “frozen spaghetti” sa halip na inaasam-asam nilang ice cream.

Agad naman nilang ibinalik sa Customer Service ng supermarket ang container ng ice cream na may lamang spaghetti. Nangako naman ang pamunuan na irerefund ang kanilang bayad at iimbestigahan ang insidente.

Pinakiusapan din ng pamunuan na burahin ang post ni Calalang subalit minabuti ng netizen na panindigan ito.

My mama bought an ice cream at Walter Mart San Fernando. Pagbukas namin, spaghetti yung laman. LEGIT, I SWEAR HAHAHAHHAHA :(((

Hello Walter Mart Supermarket, pa-refund gusto ko ng ice cream. Not frozen spaghetti 😭

Edited update:
Okay, so we went back, went straight to the Customer Service. Same old, they apologized and replaced the spaghetti with a real ice cream. It was okay. They told us that they’re going to investigate, see who put that there and all that.

They asked me to take down the post, I said no. 🙂 It’s not like we’re mad or something. It was really just hilarious. Coz it really was 😂

Anyway, they didn’t give us anything other than the ice cream. No complimentary ice cream…. I was really waiting for another ice cream tub jk.


Makikita rin sa post ang ipinalit na item na naglalaman ng tunay na ice cream.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Philippine News, When In Manila