Xander Ford muling magpaparetoke; magiging PBB Housemate ngayong 2018?

Imahe mula sa Facebook account ni Xander Ford

Hindi pa umano natatapos ang  pagpaparetoke ng internet sensation na si Xander Ford dahil marami pa itong nais i-improve sa kaniyang itsura.

Ayon sa ulat ng Abante Tonite, patuloy pa rin naman ang pagpapakinis ng mukha nito gamit ang fractional laser treatment ng isang beauty clinic.

Balik-eskwela na rin si Xander at kasalukuyang naka-enroll sa American Institute for English Proficiency.

Papasok din umano si Xander sa PBB (Pinoy Big Brother) house ngayong 2018. Kung totoo man ito, tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng kanyang career kahit sinasabing marami itong bashers sa social media.

Si Xander ay  kinilala bilang Most Googled at Most Top Newsmaker Personality noong 2017.

Kamakailan ay binatikos si Xander ng mga netizens kaugnay sa nakatakdang pag-guest nito sa Ati-Atihan Festival King na gaganapin sa Enero 15, 2018.

Naging kontrobersiyal din si Xander dahil sa hindi magandang komento nito kay Kapamilya actress Kathryn Bernardo noong isang taon.