AFP itinangging gagamitin sa rebelde ang bibilhing 16 helicopters mula Canada

Public Domain image
  • Hindi umano gagamitin laban sa mga rebelde ang bibilhing 16 helicopters mula sa Canada
  • Nilinaw ng AFP na “utility helicopters” ang bibilhin at hindi “attack helicopters”
  • Ipinangangamba ng gobyerno ng Canada na ito ay magamit umano sa pag-atake laban sa mga rebeldeng grupo

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na ang 16 helicopters na bibilhin mula sa Canada ay hindi pang-opensiba laban sa mga rebelde.

Ayon kay Major General Restituto Padilla, AFP deputy chief of staff for plans, ang mga choppers ay para sa search and rescue operations at paglipat ng mga sugatan o namatay na military personnel.

Aniya ay madalas tayong tinatamaan ng sakuna o kalamidad kaya malaking tulong ang mga choppers sa “humanitarian assistance and disaster response (HADR).”

Paglilinaw ni Padilla, ang mga bibilhing choppers ay “utility helicopters” at hindi “attack helicopters.”

Ito ay matapos ipag-utos ng gobyerno ng Canada na kailangan pa nilang suriin ang $233 million agreement sa pagbebenta ng 16 helicopters sa Pilipinas. Ipinangangamba nila na ito ay magamit umano sa pag-atake laban sa mga rebeldeng grupo.

Source :

GMA, ABS-CBN