Aicelle, nagtago sa banyo bago magtanghal para ‘di marinig ang pangalang Nora

Mga imahe mula sa Instagram account ni @aicellesantos

Dahil batid niyang darating si Superstar Nora Aunor, nagtago raw sa banyo ang singer-actress na si Aicelle Santos para hindi marinig ang pagtawag sa batikang aktres bago ang kanyang performance sa press preview ng musical na Himala.

Sa Instagram, ibinahagi ni Santos ang kanyang naramdaman sa nasabing press preview dahil batid niya na naroon si Aunor, na siyang gumanap na Elsa sa 1982 film version ng Himala.

“Kinailangan kong magtago sa banyo para hindi marinig ang pangalan niya (para hindi kabahan) nang i-acknowledge ang mga guest bago mag-start ang palabas,” pagbabahagi niya.

Dahil dito, parang bata raw na nahihiyang lumapit si Santos kay Aunor matapos siyang purihin nito pagkatapos ng kanyang pagganap.

“May batang kinilig dahil ka-holding hands niya ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, ang tunay na Elsa ng Himala,” aniya.

Masayang-masaya rin si Santos na napangiti niya ang mga nanood sa nasabing event.

“Abot-langit pa lalo ang kaba dahil nanood ang original cast ng Himala musical, 15 years ago. Kaya naman masayang makita ang kanilang ngiti at matanggap ang mga yakap nila pagkatapos ng palabas. Mula sa buong Baryo Cupang, maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa press preview!” wika niya.

May batang kinilig dahil ka-holding hands niya ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, ang tunay na Elsa ng Himala. Kinailangan kong magtago sa banyo para hindi marinig ang pangalan niya (para hndi kabahan) nang i-acknowledge ang mga guests bago magstart ang palabas. Abot langit pa lalo ang kaba dahil nanood ang original cast ng Himala musical, 15 years ago. Kaya naman masayang makita ang kanilang ngiti at matanggap ang mga yakap nila pagkatapos ng palabas. Mula sa buong Baryo Cupang, maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa press preview!❤️🙏 Mamaya na ang pagbubukas ng Himala: Isang Musikal, Feb 10 – Mar 4 sa Power Mac Center, Circuit Makati. Wag niyong palampasin ang napakagandang musikal na obrang ito ni Ricky Lee at Vince De Jesus, sa direksyon ng napakuhasay naming direktor na si Ed Lacson. Bumili na kayo ng tickets ngayon! Balita ko nagkakaubusan na! Go!👊🏽 Call 891-9999 or 0906 480 3330 for Feb 24, Sat 3pm show. #sandbox9wthimala

A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

Narito ang isa sa mga eksena sa Himala (musical) na ipinakita sa press preview nito kamakailan:

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, YouTube