[Video] Engkwentro ng babae at humuling traffic enforcer kaugnay sa hindi pagsusuot ng helmet, usap-usapan sa social media

Image capture from Gadget Addict video via Facebook

Sino nga ba ang may pagkakamali?

Usap-usapan ngayon sa social media ang engkwentro ng isang babae at mga traffic enforcer makaraan ito’y matiketan dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet bilang backrider.

Sa Facebook video ng Gadget Addict,   ibinahagi nito ang video ng pag-atake ng babae sa isang traffic enforcer at ang pag-awat ng kasama nitong driver ng motor.

– This motorcycle was originally stopped on road 3 for not wearing helmet.

– The lady became abusive and complained that she thinks one of the enforcers is laughing at her.

– They explained the complaints process to her and gave her the name of the enforcer that she thinks is laughing.

– They issued a ticket and moved on, because she’s cursing at them. There’s no value in trying to talk with someone when they’re acting like that.

The Video:

About 15 minutes after the first ticket, they came across the same motorbike on Visayas Avenue and noticed the girl still isn’t wearing her helmet.

Why isn’t she wearing her helmet? – ”Eh may binili kaming ulam (at sa helmet nilagay)”

Ayon sa post ng Gadget Addict, unang nahuli ang dalawang violator sa Road 3 sa Quezon City dahil sa diumano’y hindi pagsusuot ng helmet ng babae.

Ngunit muli umanong nasita ang dalawa sa Visayan Avenue sa parehong violation. Dito na sila nagtalo at makikitang inatake ng babae ang enforcer.

Inakala umano ng dalawa na sila’y tinatawanan ng isang enforcer, ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad ang tamang proseso. Ngunit patuloy pa rin ang pagwawala ng babae.

Nagalit din umano ang babae dahil kinukuhanan siya ng video ng enforcer.  Dumepensa naman ang enforcer na body cam iyon at minura siya at babatuhin siya nito ng helmet.

Samantala, kaya umano hindi suot ng babae ang helmet ay dahil pinaglagyan niya ito ng biniling ulam.

Ibinahagi ng News5 ang video ng insidente mula sa FB page na Gadget Addict:

Batay sa REPUBLIC ACT NO. 10054, ang driver at backrider ng isang motorsiklo’y dapat nakasuot ng helmet.

Samantala sa Facebook post ng involved na babae, sinabi nitong higit na sila ang nakaaalam ng buong pangyayari.

Sinabi nitong aminado sila sa kanilang ginawang paglabag hinggil sa hindi pagsusuot ng helmet, ngunit ikinagalit nila umano ang pagtawanan at kutyain sila habang nagtatanong sa mga enforcer at ito ang bahagi na hindi umano nasakop ng video.

babae motor

 

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Facebook, Law Phil