Carlo Aquino, inaming nakaranas ng depresyon matapos lumamlam ang showbiz career

Mga larawan mula sa Instagram account ng TWBA

Naging panauhin sa Tonight with Boy Abunda (TWBA) ang aktor na si Carlo Aquino upang i-promote ang kanyang pelikulang Meet me in St. Gallen katambal ang aktres na si Bela Padilla noong Biyernes ng gabi, Pebrero 9, 2018.

Si Carlo Aquino ay nagsimula noong 90’s at kinilala ang husay sa pag-arte sa pelikulang Bata, Bata Pa’no Ka Ginawa na ibinatay sa nobela ng manunulat na si Lualhati Bautista, at nakilala rin  bilang isa sa mga kasapi ng JCS kasama sina John Prats at Stefano Mori.

Siya rin ay dating katambal at naging karelasyon ng mahusay na aktres na si Angelica Panganiban na kamakailan lamang ay nagkaroon ng pelikula kasama si Judy Ann Santos.

Saglit na nawala sa limelight si Carlo subalit muling nagbalik noong 2017 matapos bumida sa teleseryeng The Better Half  sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN, kasama sina Shaina Magdayao, JC De Vera, at Denise Laurel.

Ngayon naman, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtambal sila ni Bela Padilla sa isang pelikulang romantiko.

Sa panayam kay Carlo sa TWBA, inamin niyang nakaranas siya ng depresyon matapos lumamlam ang kanyang karera, at pinagdudahan niya ang kanyang sariling kakayahan sa pag-arte.

Umaasa rin si Carlo na muli silang magkasama ni Angelica sa isang proyekto lalo’t nasa ilalim lamang sila ng isang network, at maraming mga tagahanga at tagasubaybay na nasasabik nang makita ang dalawa sa isang pelikula o teleserye.

Magdinner naman daw kayo minsan, @iamangelicap sabi ni @liwanag11! Waaaah! #CarLokangConfessions

A post shared by Tonight With Boy Abunda (@twbaofficial) on

Hindi rin naniniwala si Carlo sa “one night stand” dahil wala raw itong patutunguhan.

Nagbigay din siya ng pahayag hinggil sa hiwalayan nila ng kanyang huling nakarelasyon:

Samantala, ang Meet me in St. Gallen ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide.

Fact-checked against the following source(s) :

Instagram, Wikipedia, Instagram