‘Choppy’ ng Porkchop Duo pumanaw na sa edad na 63

Image capture from Otan Vargas Facebook account

Sumakabilang buhay  na rin ang isa sa comedy duo na “PorkChop” na si Romeo “Choppy” Vargas sa edad na 63.

Sa Facebook post ni Otan Vargas, anak ni Choppy, sinabi nitong namatay ang ama noong Pebrero 3, sa New York. Hindi naman tinukoy ang dahilan ng pagpanaw ng komedyante.

Si Choppy ay tubong  Tondo at isang Bisaya umano ang ina at Bicolano naman ang kanyang ama.

Taong 2009 naman nang pumanaw ang ka-tandem ni Choppy na si Porky, na Renato P. Gomez sa tunay na buhay.

Ang burol ni Choppy ay magsisimula sa araw ng Linggo sa Bethany Seventh Day Adventist Church sa New York.

Mahigit tatlong dekadang namayagpag ang “PorkChop” duo at nakapagtanghal na rin sa mahigit 30 bansa.

Nakilala ang mga ito sa kanilang mga jokes na medyo may ‘double meaning’  na bumenta naman sa ibang bansa.

Sa Facebook page ng Porkchop Duo ay mapapanood ang ilan nilang videos:

Isang tribute naman ang ibinigay ni Ryan Vargas kay Choppy: