Duterte kay Trillanes: “There’s no cure for stupidity!”

Image captured from GMA Twitter account/Public Domain

Bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang matinding kritiko na si Senador Antonio Trillanes IV sa gitna  ng umiiinit na isyu sa inihaing reklamo laban sa kanya sa International Criminal Court o ICC.

Matatandaang sinabi ng Senador na sana’y mapagtanto ng Pangulo na hindi siya ‘above the law’ partikular sa pagpapatupad ng war on drugs ng pamahalaan.

Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi siya matitinag kay Trillanes dahil wala naman aniya itong alam sa kanyang ginagawa.

Kaya naman ang payo ng Pangulo sa anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag na lamang pansinin ang Senador. Paniwala ng Pangulo na walang mangyayari kung papatulan pa nito ang mga taong walang alam.

But you will — you will get your comeuppance. You cannot just tell people na — and say, takutin mo na Trillanes nagsasayaw-sayaw, mukhang walang alam eh. ‘Yan ang mahirap sa mga gustong power, they want power, hungry for power, attention.

This one guy na mag-mutiny, p***** i** sikat pa ngayon. Pero ako kasi — because if you argue with stupid people, you cannot, there’s — there’s no medicine for that. There’s no cure for stupidity. So the best way, sabi ko nga kay Inday, ‘Hayaan mo na ‘yan.’ Kaya nga hindi nanalo, look at what he got, four percent of… PMAer man sana ‘yan pero may nakalusot, ang buang, I don’t know why,” ani Duterte.

Ikinakasa na ngayon ng International Criminal Court (ICC) ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa umano’y mga crimes against humanity ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga kaso ng extrajudicial killings mula Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga iniimbestigahan ng ICC .

Fact-checked against the following source(s) :

Abante, Balita DF, Inquirer